Isang Bata Na Nagpagupit Sa Barbero Barbero : totoy, Alam mo hindi ako naniniwalang may Diyos. Bata : Bakit naman po? Barbero : Tingin ka sa labas, ang daming taong may problema. Kung may Diyos, eh di sana inayos na Nya lahat ng problema. Bata : Ganon po? Ako din po, hindi ako naniniwalang may barbero. Barbero : Ha! Bakit naman Bata : Tingin po kayo sa labas. Kasi kung may barbero, bakit ang daming mahaba ang buhok? Barbero : Eh, hindi ko naman sila pwedeng gupitan kung ayaw nila. Bata : Ganon din po si God, hindi Niya maaayos ang buhay natin kung ayaw nating lumapit sa Kanya.