Sigarilyo
"Sigarilyo"
Oo alam ko
Na sa bawat pagdampi ng yosi sa mga labi ko
At pagsindi nito
Alam kong sasabihin mo na itigil ko na dahil mamamatay lang ako
Pero hindi mo alam na sa kaloob looban ko
Patay na ako
Ang tindahan ang aking takbuhan
Sa tuwing may mga bagay na di maunawaan
Limang piso lang ang kailangan
Para sa panandaliang kaligayahan.
Hindi na ko natatakot mamatay
Na sa bawat sigarilyong nauubos ko
Alam kong ilang segundo na ang nababawas sa buhay ko
Pero heto
Patuloy pa ring bumibili ng kaha kahang sigarilyo
At uubusin ito
Gaya ng sarili ko
Dahil ubos na ubos na ako
Ang isang taong bumago sakin ay wala na
Parang usok ng sigarilyong hinihithit ko
Sa hangin ata ay sumabay na
Ako naman tong si tanga
Hihithit pa
Para bumalik ang usok
Baka sakaling magbaga pa
Parang yung pag asa ko
Na ang dating tayo ay babalik pa
Pero gaya ng sigarilyo
Sa pagpupumilit kong magkausok pa
Ay di ko namamalayan na nauubos na
Na umaabot sa dulo
Na mga abo na lamang ang matitira
Gaya ng ating mga ala-ala
Na parang upos na itatapon na
Ikaw ang sigarilyo ko.
Dahil ikaw ang unti unting pumapatay sa sakin
Pero ikaw pa din ang hinahanap-hanap ko
Kapalit ng mga segundong mababawas sa buhay ko
Ay ang saglit na segundong magiging masaya ako kasama mo.
Ako ang sigarilyo mo.
Dahil para mapasaya ka.
Nagpaubos ako sayo.
Kahit alam kong sa huli
Itatapon mo rin naman ako.
Poem by: MEMES

Comments
Post a Comment